Ang kopya ko ng Hunger Games kasama ng ibang magazines sa CR |
Madami naman akong nabasa. Siguro mga 3 pages. Mas madalas kasi ako mag Facebook pag nasa trono ako. Nalaman ko lang sa blog ni Chico Garcia na sikat pala ung libro na natanggap namin at katunayan nagawan na ito ng pelikula. Agad ko namang ibinalita eto sa mga kaibigan ko para ipamukha sa kanila kung gaano sa ka-tanga manghinayang sila.
Nauna ata ang premiere ng Hunger Games sa Pinas at ang dami nagpopost sa Facebook na maganda nga daw ang pelikula. Dahil dito, pinanood namin eto last Friday. Ang masasabi ko, maganda nga! Hindi din naman ako mahirap i-please. Gusto ko kapag ang pelikula ay dinadala ako sa ibang mundo at matagumpay itong nagawa ng Hunger Games. Hindi ko namalayan na mahigit 2 oras pala ang tinakbo ng pelikula dahil talagang kaabang-abang ang bawat eksena. Hindi tulad ng John Carter na dinala nga ako sa ibang mundo pero nainip naman ako at gustong gusto ko na tapusin nila ang pelikula. Medyo twisted lang ng unti ang plot ng Hunger Games. Bakit kailangan mga bata pa ang kailangang magpatayan sa istorya?
Dahil dito sinimulan ko na uli basahin ang libro. From CR dinala ko na sya sa aking kuwarto. Sa unang kabanata pa lang ng libro naintindihan ko na kung bakit ganun ka-twisted ang plot ng pelikula. Inexplain naman kasi dun. Medyo premature 'tong post ko kasi di ko pa maiikumpara ang libro at pelikula pero baka abutin naman kasi ako ng ilang buwan bago ko matapos ang libro.
Narealize ko din na ang sosyal ng promo ng pelikulang eto. Mamigay ba naman sila ng libreng kopya ng libro. Sana gawin din nila eto para sa Catching Fire at Mocking Jay. Asa naman ako.
No comments:
Post a Comment